5,794

By

Jesus Falcis kay Kris: Naaawa ako, gusto mo lagi may lalaki sa buhay mo

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ni Atty. Jesus Falcis III ang kapatid nitong si Nicardo “Nicko” Falcis Jr., laban sa akusasyon ni Kris Aquino.

Si Nicko ay dating kasosyo sa negosyo ni Aquino at dating managing director ng Kris C. Aquino Productions (KCAP) na inakusahan ng Queen of All Media ng pagnanakaw sa pamamagitan ng credit card transactions.

Sa kanyang Instagram post nitong Nobyembre 16, sinabi ni Jesus na sinungaling si Aquino dahil ang ibang ginastos umano ay para sa entourage ng huli na mahigit 20 katao.

“Kris the liar says the credit card charges were unathourized personal expenses of my brother. Personal expense pala ng kapatid ko ang Cathay Pacific flight mo and pag stay mo sa Marco Polo Hotel, Ms. Aquino? Pati entourage mo personal expense ng Kuya ko?” ani Jesus sa kanyang IG post.

Ngayong araw, Nobyembre 18 ay may panibagong hugot si Jesus kung saan nagpahayag ito ng kalungkutan na nalayo sa kanila si Nicko dahil napilitan itong mag-abroad sa pagbabanta ni Aquino.

“Missing my brother so much on my birthday salubong. Thank God we have the internet and modern technology to bridge the gap. Kahit napilitan siya mag-abroad dahil sa pagbabanta ni Ms. Aquino, at least nakasama ko pa din sya at nakapag birthday celebration kami ng live.”

Binanatan din nito si Aquino na dahil sa mapaghiganti umano ang aktres ay nalayo sa piling nila ang kapatid niya.

“Ms. Aquino, you stole my brother! All because of your vindictiveness against him for leaving you.”

Inungkat din ni Jesus maging ang nakaraan ni Aquino at sinabing pa-victim umano ang aktres.

“Sa totoo lang, naaawa ako sayo. You grew up without a father figure and forced into the limelight. Kaya ayan, gusto mo lagi may lalaki sa buhay mo, center of attention ka, at hindi mo kayang iniiwan ka. Tapos lagi mo po ginagawang pa victim ang narrative mo, from Joey Marquez (kahit mali alam ng public) to my brother.”

Sa pamamagitan naman ng kanyang abogado, sinagot ni Aquino nitong Nobyembre 18 sa isang IG video post ang mga patutsada ni Jesus, nasa ibaba ang pahayag ng aktres.

View this post on Instagram

i am sorry that i do not fit the “mold” of what most people have come to admire in my family… i am not simple. i do not keep quiet when attacked. i am not private. and i don’t play down what i’ve achieved because i have had to be fierce in order to survive… i also do not subscribe to the belief that people should be allowed to just tell their lies since eventually the truth comes out anyway, because in my opinion we are only sure of NOW. i know everything about me can be scrutinized because i chose a high profile career. The millions i earn give you the right to judge me, my past, my mistakes, and even my choice in men… yet nobody can ever justifiably say that there is anything remotely questionable about my financial dealings, my trustworthiness about money, and most especially the transparency and absolute spotlessness of my BIR tax records. I have heard all the insults BUT the 1 thing that has never stuck is that kris aquino is a liar. Drama queen, possible… but definitely not lying queen and never magnanakaw queen. On Monday morning with an apology in advance to Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte, i shall again need to step on your turf because the Quezon City Hall of Justice is within your compound. I was brought up to respect the rule of law, my father gave his life for that principle. And i am also my mother’s daughter, so i shall be exercising my constitutional right to defend my dignity and honor. Pinalaki po akong hinaharap, hindi tinataguan ang lahat ng mga kaso. P.S. To my followers, my lovers, and also my haters: Divina Law and Atty Sig Fortun gave me strict instructions to turn off commenting for this post so as not to be accused of using public opinion to strengthen my cases. Monday morning, November 19, 2018 shall anyway come soon enough for even more of my truth to be heard in the proper forum.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Nag-ugat ang iringan ng dalawang panig nang kasuhan ni Aquino si Nicko ng 44 counts ng qualified theft dahil sa pagnanakaw umano ng huli ng mahigit isang milyong piso sa pamamagitan ng “unauthorized use” ng company credit card na para lamang sa gastusin ng KCAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?