By

Jessy napikon nang sabihang walang career

Sharing is caring!

NAPIKON na naman at pumatol si Jessy Mendiola sa ilang followers sa Instagram dahil sa komento nito tungkol sa kanila ni Luis Manzano, sa kanyang career at sa kasal. Masaya na sana ang atmosphere sa IG posts ni Luis ng photo nila ni Jessy na nakaupo sa damuhan, at napaka-sweet, na kuha sa pre-wedding party nina Anne at Erwan.

“When you can’t help but smile when she is in front of you,” sabi lang ni Luis. Pero may follower si Luis na hindi nakapagpigil na mag-comment sa photo. @_maanster, “If you love her that much then marry her, maybe then you can save her from all the bashing. If she’s the one for you then what are you waiting for? Right age naman na and it’s not like Jessy has to put any career on hold if you do settle down.”

Matagal na ngang hinihintay ng fans nina Jessy at Luis ang engagement, pero tila mailap pa ito.

Malasakit kay Jessy ang punto ng comment ni @_maanster pero mapait ang naging interpretasyon ng aktres dito.

“@_maanster I may not have a superstar status but I do have dreams on my own. Who are you to say that I don’t have a career on my own? I am working on it after all…I’m only 24. Marriage is not something you just do for the sake of pleasing other people, not to save anyone from bashing. It’s a special union that binds two people in love. Everything happens at the right time with the right reasons. Maybe you need to get your values checked. Have a good day God bless you,” sagot ni Jessy.

Hindi pa natapos si Jessy sa kanyang patutsada kaya nag-comment ulit ito.

“And sa lahat ng mga tao na makikitid ang utak na namomoblema kung sinong invited o hindi, hindi naman siguro ako pupunta sa kasal na hindi ako invited. I just think that’s crazy. Can we just all be happy for the lovely couple who are about to get married?

“Good vibes lang po sana, doesn’t matter kung sino-sino ang magkikitakita, the important thing is we are ready to put aside our issues for such a wonderful event. Sana lahat din ng tao ganon nalang. Let’s celebrate the love of Anne and Erwan for each other na lang ok? Spread love and peace not hate please (sorry @luckymanzano dito nalang ako sumagot, I turned off my comments section para iwas nega..I love you how!).”

Well ang pagkikita nga nina Luis-Jessy at Angel Locsin and Neil Arce ang tinutukoy ng iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?