65

Aug 23, 2020 @ 18:48
By

Jessy nainsulto sa bansag na ‘ahas’

Inamin ni Jessy Mendiola na nasasaktan siya sa mga patama ng mga basher na tinatawag siyang ‘ahas’ dahil tingin ng mga ito’y inagaw niya ang kanyang boyfriend ngayong si Luis Manzano kay Angel Locsin.

Sa vlog ni Jessy sa Youtube, naitanong sa kanya ni Luis kung anong comment online ang talagang nao-offend ang magandang aktres.

Dito na binahagi ni Jessy na hindi niya kinakaya na tawagin siyang ‘ahas’ ng mga basher.

“Actually, sinasabi ng iba, dapat hindi ka nasasaktan kasi hindi totoo. But it’s more like mas masakit kasi nga hindi totoo. Ganon ako, that’s how I look at it. It even hurts more when it’s not true. Kasi kung totoo, sige hahayaan ko kayong sabihin iyan. Kumbaga, deadma, totoo naman kasi, eh. Totoo eh, so hindi ako ma-o-offend, ‘di ba?” saad ni Jessy.

Sey pa ni Jessy, nao-offend din siya sa mga nagsasabing iiwanan lang siya ni Luis dahil babaero daw ito, at wala rin umanong balak na pakasalan siya ng TV host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?