59

By

Jessy Mendiola hindi pa handang pakasal kay Luis Manzano

Sharing is caring!

Ano ba ‘yan? Mukhang matatagalan pa na maging mamita si Congresswoman Vilma Santos, huh?

Kahit may mga pahapyaw na si Luis Manzano kay Jessy Mendiola tungkol sa pagbibigay nito ng magagandang lahi sa kanya, pero sa panayam kay Jessy ay iba ang tono nito.

Ayon sa kanya, marami pa raw siyang gustong gawin para sa sarili niya kaya hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili na ikakasal very soon.

Para rin sa kanya, ang pagpapakasal ay talagang pinag-iisipan at kailangang siya mismo ay sigurado na sa kanyang sarili sa lahat ng aspeto.

Hindi naman feeling asyumero si Luis na maging Mrs. Jessy Mendiola na niya sa mas malapit na panahon, dahil, kahit si Jessy ay aminadong napag-uusapan na nila ito.

Pero, ang problema nga ay yung sarili na niya mismo.

May mga tanong pa siya na handa na ba talaga siya? Gusto na ba niya talaga? Paano ‘yung mga pansariling pangarap niya na gusto pa niyang maabot?

Oh, well. May punto naman dito ang Kapamilya actress.

Anyway, super proud siya sa pagiging super proud din sa kanya ni Luis.

Ang post nga ni Luis na birthday message sa kanya ay talaga namang nagpahaba nang husto ng kanyang hair.

Eh, paano ba naman, sa kanya talaga inialay ni Luis ang kanyang tagumpay na napakalaki ng kanyang partisipasyon dito.

Siyempre, naghahabol na si Luis dahil 36 years old na siya, samantalang si Jessy kaka-25 pa lamang, devah?

Anyway, happy birthday Jessy! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }