419
jessy-mendiola
Jan 9, 2018 @ 17:44
By

Jessy Mendiola goodbye acting na

Career move! Maaaring ito ang dahilan kung bakit nagpursige si Jessy Mendiola at ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na mag-attend ng scriptwriting workshop ng dakilang scriptwriter na si Ricky Lee.

Sa post ni Jessy, tinawag niyang Batch 18 ang grupo nilang attendees dahil ito nga ang ika-18th scriptwriting workshop na sinimulan ng pamosong manunulat sa pelikula at telebisyon.

https://www.instagram.com/p/Bdq_FdgD6gV/?taken-by=senorita_jessy

Si Chynna naman ay dinala rin sa IG ang materials niya na gagawin o ginawa niya sa workshop na ‘yun para siguro na makaipon siya ng komento kung saan o ano pa ang maaari niyang i-improve.

Bongga rin ang mga ganitong hakbang ng ating mga local celebs, noh!

At least, nadi-discover nila ang kanilang iba pang hidden talents na, in fairness ay makakadagdag naman sa paglinang ng ating lokal na sining, devah?

Aba, pinuri-puri ang script ni Alessandra de Rossi sa huling movie niyang ‘12’ pati na rin ang work of art ni Bela Padilla na isa rin sa mga talented scriptwriters among our actors and actresses.

Well, congrats dahil ibig sabihin talaga ay nag-e-evolve na ang ating mga artista.

Maka-evolve na rin nga! Chos!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?