By

Jessy Mendiola buwis-buhay ang eksena sa New Zealand

Sharing is caring!

SINUSULIT nina Luis Manzano-Jessy Mendiola at Angel Locsin-Neil Arce ang bakasyon nila sa Switzerland, matapos ang kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Pero, feel na feel mo nga na parang ni hindi nagku-krus talaga ang landas ng dalawang magdyowa. Magkaibang-magkaiba ang pinupuntahan nila, at magkaiba rin ang trip nila sa buhay.

Kung sina Angel at Neil, ang pangangabayo ang pinuntirya, inasikaso nilang gawin sa New Zealand, ang paglipad naman ang ginawa nina Luis at Jessy, ha!

Ang sweet nga ni Neil na habang sakay siya ng kabayo at nasa harap niya si Angel, todo-video siya sa dyowa niya, na sinuklian naman ng kaway ng mahusay na aktres.

At sina Luis naman, ang nakamamatay na adventure ang sinubukan. At makikita nga si Jessy na iyak nang iyak habang nasa ere, ha!

“Swipe left para makita ang pag-iyak ko at yung tinawanan lang ako ng jump master ko na si Marcos. Thank you again my love for taking me on an adventure. I’m very sure this isn’t going to be our last time doing crazy things. I love you @luckymanzano, my daredevil,” tsika ni Jessy.

Well, sobrang achievement nga itong ginawa ni Jessy, ha! Imagine, first time niyang sumubok mag-skydiving at sa taas na 15,000 feet, at ang pag-iyak at pagtawa lang ang nagawa niya.

I mean, hindi siya hinimatay o nawalan ng ulirat sa ere. Ang dami kong kakilala na hinihimatay talaga habang lumilipad o nakalutang sa ere.

Well, good job. At siyempre, sa kabila ng halos buwis-buhay na experience na ito ni Jessy, ang pagmamahal pa rin niya kay Luis ang mas naramdaman mo sa mensahe niya. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?