1,324

Nov 2, 2017 @ 22:46

Jessy Mendiola at Alden Richards muntik mag-away

Dahil lang sa isang madamdaming pagbati sa isang kaibigan, muntik pang mapaaway si Jessy Mendiola, ha! At ang nakakaloka pa, kay Alden Richards, at sa mga totoong fans pa nito muntik magkaroon ng away si Jessy.

Ang kuwento kasi, binati ni Jessy ang friend niyang tinawag niyang si Kusie.

“Belated happy birthday my froggy. Alam kong hindi tayo masyadong nagkikita kasi palagi kang busy (YES, IKAW NA ANG BUSY) pero always remember that I love you very much and I’ll always be here for you through thick and thin.

“Masaya ako kung saan ka sa career mo, sobrang hardworking mo kaya deserve mo ‘yan. ‘Yung love life mo din, sobrang gusto ko siya and sana forever kayo na (hindi ko siya ma-tag kasi gusto mo private, ayaw mong ma-bash) Stay HAPPY and healthy my froggy! I love you!”

Ganiyan kasimple ang pagbati ni Jessy kay Kusie, sa photo nila na magkasama. Ni hindi nga niya tinag ang tunay na Instagram account ni Kusie, pero dahil sa ilang komento napilitan si Jessy na i-tag na si Kusie na chinitohosikusieho nga.

At sa information tungkol kay Kusie lumalabas na isa itong make-up artist, hairstylist at negosyante. Pero sa profile photo niya, machong-macho ang dating niya sa topless photo niya.
Pero, ‘yun na nga, may bigla na namang nagmahadera na kesyo si Alden Richards daw ang tinutukoy na ka-lovelife ni Kusie, ha!

Isang nagpapanggap na follower ni Maine Mendoza ang may-ari ng IG account na mainedei05, na nagsabing… “xempre si @aldenrichards02 ang bf niya!”

Kasunod na nga nito ang kung ano-anong reaksiyon ng mga followers ni Jessy. May mga tumuligsa agad kay Alden. Na kung ano-ano ang tinawag kay Alden.

At siyempre, hindi rin pumayag ang mga nagmamahal kay Alden. Nagalit sila sa taong ‘yon, at iba pang sumawsaw, na tinawag nga nilang bashers, na pati si Alden na nananahimik ay dinadamay.
May mga nagsabi rin kay Jessy na sana ay pinangalanan na niya ang ka-lovelife ni Kusie, para tapos ang isyu.
At heto nga ang sagot ni Jessy…

“Sa mga gumagawa ng mga malisyoso na comment dito, tumigil po kayo. Wag kayo mandamay ng taong walang kinalaman sa post na to ha? Wag kayong gumawa ng issue kay Alden at Kusie dahil wala naman talaga at magkatrabaho lamang sila.

“Mga taong to kung magisip ang kikitid ng mga utak, tumigil na kayo. ‘Yung tinutukoy ko sa caption ko ay ibang tao, si @akohosiamilito18 ‘yun. Ang bashing hirit inside joke namin ‘yun, wag kayo manggulo sa post nang may post. God bless you all, sana lumawak ang mga makikitid niyong utak…”

Siyempre marami ang natuwa sa ginawa ni Jessy, na sa isang iglap nga, winasak agad ang pantasya ng mga bashers na gusto pa silang gawan ng isyu ni Alden.

Nag-comment na rin ang tinutukoy na ka-lovelife ni Kusie na si @akohosiamilito18 na tatlong pulang puso.

“Biglang iba pinangalanan nila kaloka. Hahahahaha. Tag na kita? Ayaw ni Kusie eh. Pero SIGE NA NGA…” sabi pa ni Jessy.

Oh, ‘di tapos ang isyu! Kaloka na muntik pang magkaroon ng giyera sa pagitan ni Jessy at ng mga fans na tunay ni Alden. Mabuti na lang, so quick ding mag-isip ni Jessy.

Pero kung tutuusin, puwedeng hindi na rin patulan ni Jessy ang pambubuwisit na ‘yon ng ilang basher. Kaya lang, bago pa lumaki, lumala ang isyu, mas mabuti na ring sinopla na ni Jessy ang mga taong gumagawa lang ng kuwento, na ang business sa buhay ay gumawa ng intriga at pag-awayin ang mga artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?