263

Dec 11, 2017 @ 14:26
By

Jessy at Luis, sa Boracay pakakasal?

Espesyal na lugar kay Luis Manzano ang Boracay. Pero lalong naging espesyal ang lugar nang makasama niya ang girlfriend na si Jessy Mendiola nitong mga nakaraang araw.

Nasa Bora ang dalawa bilang bahagi ng birthday celebration ni Jessy. Siyempre, inilabas ng aktres ang petmalu niyang katawan base sa naka-post na fotos niya sa Instagram.

Sariling-sarili nina Luis at Jessy ang mundo nu’ng mga gabing ‘yon dahil hindi lang ang swimming at photo ops ang ginawa nila. May kuha rin silang dinner by the beach at madamdamin ang caption ni Luis sa eksena nilang ‘yon.

“Boracay has always been a special place but it becomes so much more beautiful when you visit with your Howwow. Thank you for the Boracay treat my how. You make special things even more special by just being with me,” caption ni Luis.

Feeling tuloy ng netizens na followers nila, huma-honeymoon na ang peg nina Luis at Jessy, huh! Pero, hindi pa nga sila kasal, ha! At may feeling ako, sa Boracay magpapakasal ang dalawa. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?