26

Nov 25, 2021 @ 22:25
By

Jessy babu showbiz para pabuntis kay Luis

Nasa stage na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ng pagbuo ng baby.

Tsika ni Jessy, nami-miss man niya ang pag-arte, hindi ito ang priority niya sa ngayon.

Nakapokus daw siya sa pagbuo nila ng pamilya ni Luis.

“I miss acting. I miss taping. I miss all of my katrabaho but siguro medyo hindi ko pa siya priority now. I’m really focused on building my life with Luis,” sambit ng aktres sa Push report.

Sa ngayon ay tuloy daw si Jessy sa pagwo-workout dahil naniniwala siyang magiging healthy siya rito sakaling mabuntis siya.

Binanggit din ni Jessy na limang anak ang gusto ni Luis pero kung siya ang masusunod, ayos na ang tatlo.

Ikinasal sina Jessy at Luis nitong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?