1,015

Oct 16, 2017 @ 13:54

Jessy at Luis kulang na lang kasal sa lambingan sa Japan

Isa si Jessy Mendiola sa mga sumusuporta sa ‘no to cyberbullying’ campaign na sinimulan ni Kathryn Bernardo laban sa viral video ni Xander Ford na noo’y si Marlou Arizala.

Ang kanilang mga social media account ang ginamit nina Karla Estrada, Gretchen Ho, Sofia Andres at iba pa para kondenahin ang panlalait ni Xander Ford sa video na kumalat at mapapanood, kung saan tinawag niyang sakang ang La Luna Sangre star.

Sa Instagram naman idinaan ni Jessy ang komento niya laban sa cyberbullying ilang oras matapos mag-post si Kathryn ng kanyang saloobin hinggil sa video.

Sabi ni Jessy o @senorita_jessy sa IG, sa isang quote na pinoste niya sa kanyang IG wall, “I will not be poisoned by your bitterness – anne of green gablets.”

At sa caption, hinashtag nito ang “#notocyberbullying”.

Bagama’t, hindi binanggit ni Jessy ang isyu nina Kathryn at Xander Ford, naniniwala ang lahat na ito’y suporta ng aktres sa kapwa Kapamilya artist.

Isa si Jessy sa laging biktima ng cyberbullying o bashers na nagsimula nang maging magkasintahan sila ni Luis Manzano.

Kung anu-ano ang itinatawag kay Jessy ng mga basher at kung minsan ay hindi nito maiwasan na patulan ito sa kanyang IG.

Ngayon na lang nawala ang mga basher ni Jessy nang magtuluy-tuloy ang relasyon nila ni Luis at dahil sa laging pangangalandakan ng game show host sa malaki niyang pagmamahal kay Jessy.

Kamakailan lang ay nagpasilip na naman ng kanilang lambingan sina Jessy at Luis sa bakasyon nila sa Japan.

Walang larawan na hindi sila sweet sa isa’t isa gaya na lamang nang magkayakap sila sa harap ng glass window sa tinutuluyan nilang hotel sa Japan.

Sey ng ilang followers ng dalawa, kulang na lang ay engagement proposal para malubos na ang lambingan nila sa isa’t isa.

 

Angeline mahal na mahal si Regine

Kahit alam na ng marami na fan si Angeline Quinto ni Regine Velasquez, ayaw pa ring paawat ng Kapamilya singer sa pagpapakita ng malaki niyang paghanga, pasasalamat at pagmamahal sa tinaguriang Asia’s Songbird.

Sa kanyang Instagram, pinoste ni Angeline ang mga photo opt nila ni Regine noong sumasali pa siya sa mga singing contest.

Sa caption ng larawan, inisa-isa ni Angeline ang mga pangyayari ng pagiging fan niya kay Regine.

@loveangelinequinto, “Ito po ‘yung unang picture namin ni Ms. Reg sa ‘Star for A Night’, IBC 13 pa po ‘yun. Kaya ako sumali dun dahil gusto ko talaga siya makita sa personal at dahil gusto ko din talagang makakanta sa tv.

“Pagkalipas ng ilang taon sumubok ulit ako sumali sa ‘Diz Iz It’ sa GMA po, naging judge si Ms. Reg dun pero hindi na ako kasali nung time na ‘yun dahil natanggal na po ako bago mag-grand finals. Pero nung nalaman ko na magiging judge si Ms. Reg, bumalik po ako sa Broadway nun para makapagpa-picture sa kanya.

“Pagkatapos po ulit ng ilang taon nakasali ako sa ‘Star Power’ ng Abs-Cbn na si Ma’am Sharon po ang host. Dito po nag-umpisa lahat, as in lahat.

“Nung nanalo po ako sunud-sunod na natupad lahat ng pangarap ko, nakasama ko po si Ms. Reg sa concert nila ni Sir Ogie sa Araneta, naging guest po kami ni Ate Kyla dun.

“Pagkalipas na naman po ng ilang taon, nakasama ko po si Erik at Sir Martin.

Inisip ko nangyari po pala talaga lahat ito. Nakasama ko po ang Ultimate Idol ko. Hindi ‘to mangyayari kahit sa panaginip ko.

“Pero dahil isa ‘to sa mga pangarap ko, hindi ako tumigil sa pagdadasal at hindi nawala ang pag-asa ko na maniwala sa mga pangarap ko.

“Totoo po at totoong-totoo po na ‘Dreams Really Do Come True’, malaki man o maliit ang mga pangarap mo wala pong imposible. I love you #Songbird.”

Ito ang mala-tribute message ni Angeline kay Regine at bilang pagbati na rin sa nalalapit na 30th anniversary ng huli sa showbiz.

 

Arci pinuri ang ganda sa models grand ball

Pinuri at sinabihang maganda ni Eric Quizon si Arci Muñoz nang magkasama ang dalawa sa nakaraang PMAP o Philippine Models Association of the Philippines grand reunion.

Kinontra ni Eric ang mga nanlalait kay Arci at nagsasabing pumangit ang aktres matapos itong magparetoke uli ng kanyang mukha.

Kumalat ang kakatwang larawan ni Arci sa social media na kuha sa isang stage live show kung saan siya nag-perform.

Naging isyu ang larawang ito at sinabi ng maraming sinira raw ni Arci ang dati niyang magandang mukha.

Pero sa post ni Eric, hinangaan niya ang ganda ni Arci nang magkasama sila sa nasabing event.

Sa Instagram ng nasabing actor-director, pinost niya ang larawan nilang dalawa ng Kapamilya star. Naka-black gown ang aktres at pulang-pula ang lipstick.

@eric_quizon, “Partied with the @ramonathornes (tunay na pangalan ni Arci) at the PMAP ball. She was looking lovely and radiant. Her equally stunning sister @lavidalouca is a member of PMAP.”

May pruweba naman si Eric sa papuri niya kay Arci dahil lutang na lutang ang ganda ng aktres na malayo sa ikinalat na viral photo niya.

 

Maja naaksidente!

Hindi dumating si Maja Salvador sa dapat sana’y event ng ABS-CBN 2, ang ‘Bida Kapamilya’ na ginanap sa Enchanted Kingdom.

Isa sana si Maja sa star ng event dahil sa mataas na ratings ng serye niyang ‘Wildflower’ at talagang inaabangan siya ng kanyang mga tagahanga.

Sa official announcement ng Kapamilya network, sinabi ng mga itong naaksidente ang aktres sa taping ng kanyang serye at kinakailangan nitong sumailalim sa therapy.

@wildflowerabscbn, “Announcement: Mga Kapamilya, unfortunately, Maja Salvador will not be able to join us today in Bida Kapamilya Enchanted Kingdom. She had a mild left ankle sprain due to a fight scene last night during Wildflower taping. She was advice to rest and undergo therapy.”

Humingi naman ng sorry si Maja sa kanyang mga fans.

Naintindihan naman ng mga fans si Maja at sa nangyari sa kanilang idol at sinabihang magpagaling na lang muna ito.

Si Maja ngayon ang tinuturing na ‘Serye Queen’ dahil sa consistent high ratings ng kanyang show. Ang ‘Wildflower’ ang may pinakamataas na shares ng viewership sa lahat ng mga programa ng ABS-CBN 2.

Barbie hinahangaan ng isang beauty entrepreneur

Sikat talaga si Barbie Forteza kung ang pagbabasehan namin ay ang reaksyon ng RXs beauty product line entrepreneur na si Ms. Arlene Alvarez Sitjar.

Nag-glow ang magandang mukha ni Ms. Arlene at napalakpak ito nang marinig niyang isa sa puwedeng kuning endorser ng kanyang produkto ay ang Kapuso sweetheart.

Sinusubaybayan pala ni Ms. Arlene si Barbie at sa totoo lang, sa personal parang puwedeng maging mag-ate ang dalawa dahil sa malaking pagkakahawig ng entrepreneur sa aktres.

Kung susuwertehin sila, gusto nilang maging endorser si Barbie, hindi dahil sa magandang kutis nito, kundi sa pagiging bubbly ng aktres na patok sa young market.

Halos pitong taon na sa market ang RXs beauty products kung saan may mga branches na sila sa mga probinsya.

Nagsimula lang bilang online seller agent si Ms. Arlene ng isang beauty products at empleyado ng isang travel agency nang magdesisyon siyang magtayo ng sarili niyang negosyo ng pampaganda.

Sa tulong ng kanyang hubby na professor sa PUP na si Sir Sixer A. Sitjar at sa sipag nilang mag-asawa, napalago nila ang kanilang negosyo.

Papasang artista si Ms. Arlene dahil sa clear skin at beauty niya, pero mas gusto niyang mag-business na lang.

Samantala, si Barbie nga pala ang bida sa bagong romcom movie offering ng Regal Entertainment na ‘This Time I’ll Be Sweeter’ kung saan ang leading man niya ay si Ken Chan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?