15
abante-tnt-vismin-jessica-sanchez
By

Jessica Sanchez na-miss ang lola sa Bataan

Sharing is caring!

Nasa Pilipinas ngayon ang Fil-American na si Jessica Sanchez na naging first runner-up sa American Idol Season 11. Nagbalik-Pilipinas si Jessica para sa pag-guest nito sa concert ni Jake Zyrus sa Skydome on May 25.

Sinalubong pa rin si Jessica ng kanyang mga fan sa airport pagdating niya. Nai-tweet kasi ng singer na parating siya ng Pilipinas.

Sinundo si Jessica ng kanyang lola na taga-Bataan. Tatlong taon na rin ang nakalipas simula noong huling bumisita si Jessica sa bansa.

“I’m super excited to see her. It’s been three years so family is a huge part of my life,” sey pa ni lola.

Na-miss din ng 22-year-old singer ang Pilipinas kaya excited itong makabalik at muling maka-reconnect sa mga relative at mga naging kaibigan.

“I love you guys! Thank you so much for all your support. I’m so excited to be back here in the Philippines. I can’t wait to see you guys!” sey pa ni Jessica.

Kasalukuyang busy si Jessica sa pagtapos ng kanyang second studio album. Na-release na ang isang single niya titled Call Me at puwede na itong ma-download sa mga digital music store.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?