44

By

Jessica Sanchez gustong maging parte ng ‘Idol Philippines’

Nasa bansa ngayon ang ‘American Idol’ season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Naging guest si Jessica sa ‘Umagang Kay Ganda’ nitong Lunes, at nang matanong siya tungkol sa umano’y pagiging parte niya ng ‘Idol Philippines’ bilang isa sa mga hurado, sagot ng singer, “I heard there’s like rumors about that but nothing is like set in stone right now. But if they do ask me, I would love to be part of that.”

Hinulaan ng ilang netizen na magiging bahagi si Jessica sa nasabing show dahil sa kanyang pagbati kay Asia’s Songbird Regine Velasquez, na una nang nabalitang magiging hurado.

Balik-Pinas si Jessica para sa kanyang concert sa November 10 na gaganapin sa The Theater at Solaire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?