37
Jessica Jung may ire-release na libro

Jessica Jung may ire-release na libro

Na-excite ang mga fan dahil sa Instagram post ni K-pop singer Jessica Jung tungkol sa ire-release niyang libro.

Wala pang ibang detalyeng binanggit si Jessica bukod sa pamagat ng libro na “Shine.”

“📚 #SHINE is coming together nicely.
Can’t wait to share it! 📖🤭🤩✨,” saad ng American star nitong Nov. 16.

Gayunpaman, nakasaad sa isang unofficial Amazon listing na nasa 350 pages ang haba ng libro, na ire-release sa Oct. 6, 2020.

Dating lead singer si Jung ng K-pop girl group na Girls Generation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?