jerwin1
By

Jerwin kapit-tuko sa korona

Sharing is caring!

Literal na ayaw pakawalan ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang world belt.

Sa pagmamadali nito upang makaabot sa biyahe pa-Amerika ay naiwan niya ang kanyang IBF 115-pound belt maging ang susuuting shorts sa fight night kontra kapwa-Pinoy Jonas Sultan sa Save Mart Center sa Fresno, California sa Mayo 26.

Gayunman, isusunod umano ito ng ibang miyembro ng Team Ancajas.

Walang sinayang na oras ang 26-anyos na boksingero mula Panabo at nakabasae na ngayon sa Cavite at agad sumabak sa ensayo pagdating sa Los Angeles, California nitong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Sumabak sa light training si Ancajas katuwang ang chief trainer na si Joven Jimenez at nagbabawas na lamang ng timbang para sa nalalapit na official weigh in isang araw bago ang upakan.

Nauna na ng dalawang linggo sa Amerika ang team ni Sultan.

Huling nagkaroon ang all-Filipino title bout noong 1925 nang talunin ni title holder Pancho Villa ang challenger na si Clever Sencio sa Wallace Field sa Luneta, Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?