99

Dec 25, 2017 @ 14:01

Jerwin Ancajas, pumirma na ng 6-fight deal sa Top Rank

Nakatakdang depensahan ni Pinoy boxer Jerwin Ancajas ang kanyang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight belt laban kay Mexican Israel Gonzalez.

Nakapaloob ito sa six-fight deal na pinirmahan niya sa Top Rank na ikakasa sa Pebrero 3, 2018.

Naging popular si Ancajas sa naturang dibisyon matapos walisin ang 15 magkakasunod na laban at mapahalik sa lona ang 14 iba pa kabilang na ang kamakailan lang na pagpapabagsak kay McJoe Arroyo nitong Setyembre 3, 2016 at tanghaling IBF junior bantamweight champion.

Sa dalawang taong kontrata nito sa Top Rank, tatlong beses lalaban kada taon ang 25-anyos na boksingero na tubong Panabo, Davao del Norte.

Ipapalabas nang live mula sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas ang Ancajas- Gonzalez bout na nasa hanay ng boxing card ng ESPN kasama ang super-middleweight title bout sa pagitan naman nina reigning champ Gilberto Ramirez at Habib ‘Wild Hurricane’ Ahmed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?