74

Dec 23, 2017 @ 19:38

Jerwin Ancajas, nape-pressure sa bansag na ‘susunod na Pacquiao’

Aminado si reigning International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas na nakakaramdam siya ng pressure kapag tinatawag na susunod na Manny Pacquiao.

Kahit proud siyang maikumpara sa Pambansang Kamao, iba pa rin ang pakiramdam na itulad siya kay Pacquiao.

“Na-pressure din ako siyempre para ikumpara sa galing ni Senator Manny (Pacquiao),” ani Ancajas sa Spin.ph.

“May pressure na kailangan galingan ko pa para kahit kaunti mapantayan ko ‘yung galing niya.”

Si Top Rank promoter Bob Arum umano ang nagbansag kay Ancajas na susunod sa yapak ni Pacquiao.

Kasalukuyang nakikipagnegosasyon si Arum para maging parte ng Top Rank sa susunod na taon ang 25-anyos na kaliwete mula sa Davao na si Ancajas.

Nakapuwesto bilang 6th best junior bantamweight in the world ng The Ring ang tinaguri na si ‘Pretty Boy’.

Naging IBF junior bantamweight champion siya nang patulugin sa Round 8 si McJoe Arroyo noong Setyembre 3, 2016 kung saan kumita siya ng $3,750 sa laban.

Tangan niya ang 11-fight win streak nang sumabak kay Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?