jerwin-ancajas
By

Jerwin Ancajas, nagpakita ng basketball drills

Sharing is caring!

Ipinakita sa social media ng World boxing champion na si Jerwin Ancajas ang kanyang basketball drills matapos ang long-hour boxing training sa Homewood Suite-Hilton.

Inenganyo pa ng super-flyweight champion of the world ang kanyang trainer na si Joven Jimenez at iba pang kasamahan para bumuo ng small group at mag one-on-one play sa training room sa ground floor ng hotel.

Nagpakitang gilas ang 26 year-old na boksingero ng kanyang dribbling drills.

“Boxing to basketball #jerwinancajas” twitter post ni @gerryramos ng dribbling drills ni Ancajas.

Bukod sa boksing, isa ang basketball sa mga kinahihiligan niya gaya ng kanyang idolo at promoter na si Manny Pacquiao.

“Cross training ni Jerwin ang basketball,”ayon kay Jimenez.

Isang avid Kylie Irving fan si Ancajas at Boston Celtics team.

Nang dahil sa basketball, naipangalan pa nga ni Ancajas ang isa sa mga anak niya sa isang Celtic star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?