4

Jan 14, 2021 @ 15:08
By

Jerwin Ancajas gusto na uli makipagsuntukan

Nais ng Pinoy professional boxer na si Jerwin Ancajas na makabalik sa boxing ring ngayong Abril.

Ani Sean Gibbons ng Manny Pacquiao Promotions, balak nilang isabak si Ancajas sa bakbakan laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico.

Anila, dito nakataya ang IBF junior-bantamweight title ni Ancajas.

“I believe by next Wednesday, we’ll have a date, we’ll announce that fight, and once we take care of Rodriguez, everybody’s on the table,” saad ni Gibbons sa isang panayam.

“The date we’re looking at is April. We’re trying to get in the ring by April,” dagdag pa nito.

Taong 2019 nang huling tumapak sa boxing ring ang 29-anyos na boksingero kung saan pinatumba niya si Miguel Gonzales sa ikaanim na round.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa Los Angeles si Ancajas kasama ang kanyang coach na si Joven Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?