25

By

Jerwin Ancajas babad sa ensayo

Puspusan ngayon ang pagsasanay ni reigning super flyweight champion Jerwin Ancajas sa ‘Survival Camp’ sa Magallanes, Cavite bilang paghahanda sa kanyang muling pagsabak sa lona.

Sa ikaanim na pagkakataon, dedepensahan ni ‘Pretty Boy’ ang kanyang titulo kontra Mehikano na si Alejandro Santiago Barrios sa Setyembre 28 sa Oracle Arena sa Oakland, USA.

Sa video na inalabas ng GMA News online, makikita na puspusan at talaga namang tutok si Ancajas sa kanyang pag-eensayo at pagsaasanay.

Nasa 17-fight winning streak na si Ancajas na may professional record na 30-1-1, 20 KOs habang ang kanyang makakalaban naman ay hawak ang record na 16-2-4, 7 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?