17

Dec 28, 2020 @ 22:03
By

Jersey number ni Daniel buburahin

Suportado ni San Beda University Red Lion team manager Jude Roque ang na iretiro ang jersey number nang pumanaw na dati nilang player na si Sudan Daniel ng Estados Unidos.

Namatay ang 33-anyos na Amerikano nitong Sabado sanhi ng asthma, at hangad ng ilang Bedans sa i-retiro na rin ang number 18.

“There’s clamor but it’s up to the school to decide,” ani Roque. “But I’ll support it.”

Sa kasaysayan ng Mendiola-based squad, isang jersey number pa lang ang kanilang niretiro at ito ay ang number 14 ni two-time Olympian Carlos Loyzaga.

Si Sudan ay isa sa naging highlight player ng Beda dahil sa taglay talento para sa Red Lion. Kasama siya sa 18-0 sweep at nagging National Collegiate Athletic Association (NCAA) season at finals MVP. (Aivan Denzel Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?