269

Nov 2, 2017 @ 23:24

Jeron Teng excited kay ‘lodi’ Abueva

Excited si Jeron Teng, ang 5th overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft, na makasama at makalaro ang kanyang idol na si Calvin Abueva.

“I’m very much excited to play with him [Abueva],” ani Teng.

Kilala si Abueva bilang ‘The Beast’ sa loob ng court dahil sa kanyang bruskong laro. Ang gayong attitude ay nakakaimpluwensya sa kanyang teammates na magsumikap makapuntos.

Ito ang gusto ni Teng kay Abueva, nakakapagpa-boost ng enerhiya at nakakahawa ng lakas ng loob sa mga kasama sa loob ng court.

Nagsama na rin ang dalawa noon sa Gilas Pi­lipinas.

Natutuwa rin si Teng dahil unti-unti na niyang natutupad ang kanyang pangarap na maging PBA player.

“It’s always my dream to follow my father’s footstep,” dagdag ng dating star player ng De La Salle.

Anak si Teng ng ex-PBA star Alvin Teng na nanggaling din sa Alaska at mas kilala bilang ‘Robocop’ ng San Miguel Beer.

Ang kapatid niyang si Jeric ay kasalukuyang nasa Kia Picanto.

Unang maghaharap ang magkapatid na Teng sa PBA Philippine Cup umpisa sa December 17. (Zia Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?