172

By

Jeron Teng ayaw nang pag-usapan ni Jane Oineza

Sharing is caring!

Kung dalawang oras at kalahati na hinintay ang pagdating ng Miss Universe beauties sa presscon, halos dalawang oras na naghintay kay Jane Oineza ang entertainment press na invited sa grand presscon ng Haunted Forest, ang official entry ng Regal Multimedia Inc. sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Hindi namin agad nakilala si Jane dahil nadagdagan ang timbang niya pero ayon sa kanya, pumayat na siya.

Ang Haunted Forest ang nag-iisang horror movie na kasali sa MMFF at sa history nito, ang mga horror movie ang pinipilahan ng manonood kaya masuwerte si Jane.

Tahimik at walang intriga sa buhay ni Jane kaya natawa ito nang ungkatin sa presscon ng Haunted Forest ang tunay na dahilan ng break-up nila ng basketball player na si Jeron Teng.

“Naka-move on na,” ang natawa na sagot ni Jane na nakiusap na huwag nang isipin ang isyu dahil matagal na ito.

“Naku, matagal na po ‘yon. Huwag na nating isipin ‘yon. Ang isipin natin ngayon ay ang movie,” ang sabi ni Jane.

May dahilan si Jane para huwag nang pag-usapan ang nakaraan nila ni Jeron dahil may boyfriend na siya, ang former Pinoy Big Brother housemate na si Kyle Secades.

“Busy sa movie. Hindi na nakakakain, wala ring tulog,” ang ipinagtapat ni Jane na sikreto ng pagpayat niya.

Co-stars ni Jane sa Haunted Forest sina Maris Racal, Jon Lucas at Jameson Blake. Dahil nag-iisa na horror movie sa MMFF 2017 ang Haunted Forest, nagkakaisa sina Maris, Jane, Jon at Jameson na tatangkilikin ng moviegoers ang pelikula nila.

Dream come true para kina Maris at Jon na makagawa ng horror movie sa bakuran ng Regal dahil noong mga bata pa sila, pinapanood nila ang mga horror film na pinasikat ng film outfit nina Mother Lily at Roselle Monteverde tulad ng Shake, Rattle & Roll. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?