36

Feb 24, 2020 @ 14:40
By

Jericho Rosales naglunsad ng ‘Echo bag’ para sa charity

Hindi lang magaling na aktor, may mabuti ring kalooban si Jericho Rosales.

Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon siyang proyekto na tinatawag na “Echo bag”, isang eco-friendly tote bag para matulungan ang buong mundo na magkaroon ng access sa malinis na tubig.

Kasama ng aktor sa proyekto ang ilan niyang mga kaibigan.

Unang sinabi ng aktor ang binabalak niyang proyekto sa social media noong 2019 kung saan ipinakita niya ang isang bag na may litrato niya.


Nagkatotoo na ito ngayong taon, kung saan nakadisenyo sa tote bag ang litrato ng aktor na walang damit pang-itaas na tinatawag na “Echo bag”, hango sa palayaw ni Jericho.

Sa kasalukuyan ay sinusuportahan ng proyekto ang Waves 4 Water, isang non-profit organization na tumutulong sa mga tao sa buong mundo para magkaroon ng malinis na tubig.

P300 ang halaga ng bawat bag, bahagi nito ay napupunta sa Waves 4 Water, na si Jericho mismo ang namili.

Maliban sa nakakatulong sa kawanggawa ang eco-bag, environment-friendly din ito dahil nababawasan ang paggamit ng plastics na bag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?