517

Jul 20, 2018 @ 20:11
By

Jericho Rosales, bidang lalaki sa ‘The Girl In The Orange Dress’

 

Nag-first shooting day na kahapon (July 19) ang pelikulang “The Girl In The Orange Dress” ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at MJM Productions. Isa ito sa napiling iskrip ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival 2018 (MMFF).

The three others are: “Aurora,” “Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya” at “Popoy En Jack The Puliscredibles.”

Ang “The Girl In The Orange Dress” ay pagbibidahan ni Jessy Mendiola, kasama rin sa cast sina Sheena Halili, Ria Atayde at Hannah Ledesma, base sa post ng Quantum Films sa kanilang Instagram account. Nag-iisang leading man naman si Jericho Rosales sa movie, although, ang alam namin may iba pang stars na kasama sa pelikula.

Last year, si Jericho dapat ang leading man ni Jennylyn Mercado sa “All Of You” ni direk Dan Villegas pero nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule.

The role intended for Echo eventually ay napunta kay Derek Ramsay na siyang itinanghal na MMFF 2017 Best Actor.

Nagbida rin naman ang former Mr. Pogi grand winner sa “Siargao” ni direk Paul Soriano na surprised box-office hit after it won several awards including 2nd Best Festival Picture sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2017.

This December, nakatitiyak na rin ang participation ni Echo sa MMFF 2018 dahil nag-iisang bidang lalaki siya sa “The Girl In The Orange Dress” na ididirek ni Jay Abello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?