123

Dec 9, 2018 @ 14:20
By

Jericho Rosales absent sa Grand Christmas Parade dahil sa dengue

Ginanap kahapon sa McKinley Hill, Taguig City ang Grand Christmas Parade.

Kasali sa naturang parada ang float ng pelikulang “The Girl in the Orange Dress” ng Quantum Films.

Ang naturang pelikula ay official entry sa 44th Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola.

Hindi namataan ng mga fan ang aktor na si Jericho Rosales sa naturang parade dahil nagpapagaling pa umano ito mula sa sakit na dengue.

Present naman sa parada ang kaniyang mga co-star na sina Ria Atayde, Hannah Ledesma, at ang kaniyang kapareha sa pelikula na si Jessy Mendiola.

Tanging ang tatlo lamang ang sakay ng float ng nasabing pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?