195

Jul 15, 2019 @ 16:54
By

Jericho, Piolo magiging ‘jobless’ dahil kay Anne Curtis?

Gumanap bilang transgender man sa drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” si “It’s Showtime” host Anne Curtis noong July 13.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Anne ng kanyang litrato na naka-in character bilang si Marrz Balaoro.

Si Balaoro ay isang transgender man na nagpasimula ng FilGuys Association sa Hong Kong.

Nagpasalamat si Anne sa MMK sa binigay na tiwala sa kanya sa special episode noong Sabado na may pamagat na “Embracing Me”.

Umani naman ng mga papuri sa madla ang mahusay niyang pagganap at maging ang itsura niyang bilang lalaki.

Aniya, kahit ano pang gender, deserving ang lahat ng love at respect at dapat laging nauuna ang love.

“Love should always come first. No matter the gender or how people identify themselves as, at the end of the day, we are all humans who deserve to live in a world of LOVE and RESPECT. Maraming Salamat Marrz Balaoro sa pagpayag nyo po na gampanan ko ang kwento ng buhay nyo at sa @mmkofficial sa tiwala na binigay nyo po sa akin sa special episode na to. Happy 28th Anniversary. Thank you for watching,” sabi ni Anne.


Biro tuloy ng isang netizen, baka maging jobless sina Jericho Rosales at Piolo Pascual sa kagwapuhan ni Anne.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?