170

Oct 19, 2021 @ 18:02
By

Jericho nakapagpatayo ng bahay para sa mga ‘Ulysses’ survivor

Tumulong ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones para magkabahay ang may 20 pamilya sa Baggao, Cagayan na sinalanta ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon.

Sa Instagram post, masayang ibinalita at ipinasilip ng aktor ang 20 bahay ang naipatayo para sa 20 pamilya ng kanilang Project Salinong.

“It’s been almost a year since Typhoon Ulysses devastated many parts of our country including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila (@marinezelizalde), our friends too many to mention, and you who donated to the cause, Ulysses Relief Fund were also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan!” saad ni Jericho.

“The recipients are very grateful!” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?