45

By

Jericho Cruz sa Texters aprub!

Sharing is caring!

Kinatigan na ng PBA ang trade na magdadala kay Jericho Cruz mula Rain or Shine patungong TNT KaTropa.

Naka-paskil sa ‘Transactions’ section ng PBA website ang trade na inaprubahan ni commissioner Willie Marcial nitong Huwebes.

Kapalit ni Cruz si rookie Sidney Onwubere, 2018 first round pick ng Texters, at isinahog pa si Kris Rosales.

Hindi pa naglalaro ngayong season ang 6-foot Fil-Am guard na si Rosales na nagpapagaling sa operasyon sa tuhod. Si Rosales ay 19th overall pick ng Barako Bull noong 2015 pero hindi napapirma ng kontrata at sinalo ng TNT.

Si Onwubere ay nasa pangatlong team na niya sa kanyang rookie season. No. 8 overall ng Phoenix sa nakaraang draft si 6-foot-4 Onwubere mula EAC pero agad pinamigay sa Texters.

Ninth pick overall ng Elasto Painters si 6-foot-1 Cruz noong 2014, pagpasok ng 2018 ay umugong ang balitang gusto nang magpa-trade o mapunta sa dating coach niya sa RoS na si Yeng Guiao na tumawid na ng NLEX bago ang nakaraang season.

Mr. Quality Minutes at Most Improved Player si Cruz noong 2016, pero bumaba ang laro ngayong conference matapos manggaling sa foot injury.

Kasado na ang trade noong isang araw, pero hindi pa naglaro si Cruz sa 99-84 loss ng TNT sa GlobalPort noong Miyerkoles.(Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?