Rain or Shine TNT KaTropa ROS coach Caloy Garcia

Jericho Cruz, pinamigay na ng ROS sa KaTropa

Sharing is caring!

Binitawan na ng Rain or Shine si Jericho Cruz at ibinigay sa TNT KaTropa para makuha nila si Sidney Onwubere at ang 2018 first-round pick.

Kinumpirma ni ROS coach Caloy Garcia ang trade sa spin.ph, at sinabing kapwa sumang-ayon ang dalawang koponan sa naturang hakbang at naghihintay na lang ng pag-apruba ng PBA.

Ang hakbang ay naging daan para maging miyembro ng flagship club ng MVP Group si Cruz, kung saan nakaanib din ang dati nitong coach na si Yeng Guiao, na hawak naman ang MVP team ding NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?