48

Feb 20, 2020 @ 16:05
By

Jericho Cruz iniwan ang NLEX para sa Guam

Pahinga muna sa PBA si Jericho Cruz, tinapik para maglaro sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Hindi nga lang para sa Pilipinas kundi para sa ibang bansa.

Kasama sa lineup ng Guam national team ang NLEX guard para sa kanilang laban kontra New Zealand sa Linggo, Pebrero 23.

Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao ay nasa Guam na si Cruz para sumalang sa ensayo kasama ang national team kung saan isang laro lang ang sasalangan matapos masuspende ang laban nila sa Hong Kong dahil sa banta ng novel coronavirus.

“It’s a great experience and I am honored and blessed to be part of this program and on the Guam National Team,” ayon kay Cruz sa report ng Kuam News.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?