1,595

Oct 9, 2021 @ 10:56
By

Jeric Raval nahiya sa Aljur, AJ ‘relasyon’

Prangkahang tinanong ni Jeric Raval si Aljur Abrenica kung ano ang sasabihin niya sakaling magkrus ang landas nila ng kaibigang si Robin Padilla, na biyenan ng “StarStruck” alumna.

Ayon sa ulat, naitanong ito ni Jeric kay Aljur nang magkita sila sa PDEA dahil alam niyang ang asawa ng huli na si Kylie ay anak ni Robin.

“Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin] kung aksidenteng magkita kami?” ani Jeric sa PEP report.

Aminado rin si Jeric na nahihiya siya sa kung anuman ang namamagitan kina AJ at Aljur dahil ayaw niyang isipin ng iba na third party ang kanyang anak.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko,” sambit ng action star.

Noong 2018 ikinasal sina Kylie at Aljur. May dalawa na silang anak – sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kamakailan napaamin si AJ tungkol sa panliligaw sa kanya ng estranged husband ni Kylie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?