59
jeric-kyline
By

Jeric matanda na para maka-loveteam ni Kyline

Sharing is caring!

\Marami ang naloka sa pa-abs ni Jeric Gonzales sa Kambal, Karibal.

At sa harap pa mandin ni Kyline Alcantara na kung saan ay malakas ang following ng dalawa sa social media.

‘Yun nga lang, sa kabila ng demand na maging loveteam ang KyRic, pero mukhang ayaw itong patulan ng Kapuso network dahil sa age gap nga ng dalawa.

15 lamang si Ky samantalang 25 na si Jeric.

So kahit sobrang lakas ng chemistry ng dalawa, mukhang hanggang sa pangarap na lamang ito managyayari.

Anyway, marami nga ang kinilig sa pagta-topless ni Jeric na kitang-kita naman na may ipinagmamalaki rin ito pagdating sa pagiging borta.

Baby-faced pa naman si Jeric, kaya maraming teen-agers o millennial ang nagkaka-crush sa kanya at ito ay mapapatunayan ng mga komento sa kanyang socmed account.

Kung bortahan nga naman ang labanan, makikipagtapatan na rin daw siya kina Jak Roberto at Derrick Monasterio na mga hunky bodies ngayon ng Kapuso network.

Bongga!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?