320

Dec 11, 2017 @ 13:41
By

Jeric Gonzales nag-birthday sa piling ng special children

Mas pinili ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales na idaos ang kanyang kaarawan nitong nakaraang araw na kapiling ang special children mula sa Hospicio de San Jose, Manila. Kasama ni Jeric ang grupo ng kanyang fans, ang Jeric Warriors, sa pagdalaw sa mga special children.

Nagsilbi ring way ito ni Jeric na mag-give back sa biyayang natanggap niya. After ilang taon, nagkaroon na rin siya ng regular series sa GMA, ang ‘Kambal Karibal’ at paminsan-minsan, lumalabas siya sa ‘Super Ma’am’.

Naging Christmas get together na rin ni Jeric at fans niya ang pagdalaw na ‘yon sa mga bata sa halip na magkaroon ng traditional Christmas party. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?