21

By

Jeric Gonzales aapir sa ‘Abantelliling’

Sharing is caring!

Aapir ngayong alas-4 ng hapon, Setyembre 4, ang muy guwapitong Kapuso hunk at isa sa bida ng magsisimulang afternoon series na ‘Ika-5 Utos’ na si Jeric Gonzales sa online program ng Abante TNT, Abante at Abante Tonite na ‘Abantelliling’ ng mga katotong Dondon Sermino at Rey Pumaloy.

Si Jeric ay itinanghal na Ultimate Male Protégé ng programang ‘Protégé: The Battle for the Big Artista Break’ ng GMA Network nu’ng 2012. His counterpart was Thea Tolentino at runner-up naman si Mikoy Morales ni Jeric.

Itinanghal din si Jeric bilang 2nd Runner-up ng Ginoong Laguna 2012 at graduate siya ng nursing sa Calamba Doctor’s College.

Bago in-offer sa kanya ang role sa ‘Ika-5 Utos’, naging bahagi ang aktor ng top-rating primetime show na ‘Kambal, Karibal’ nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Kyline Alcantara.

Sa ‘Kambal, Karibal’ din nabuo ang KyRic (coined word for Kyline & Jeric) tandem at nag-viral din sa social media ang cover nila ng La Nueva Kontrabida ng awiting ‘Perfect’ ni Ed Sheeran.

Kung may katanungan ang supporters ni Jeric, log on lang kayo sa Abante News Online Facebook page, Abante Tonite Facebook page at Abante Tonite Youtube channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?