103

By

Jeric aminadong in love kay Kyline

Sharing is caring!

Ipinagmamalaki ni Jeric Gonzales na sobrang gusto niya ang role niya sa GMA teleserye na ‘Ika-5 Utos’ na malapit nang ipalabas dahil in character raw siya rito. Marami siyang magiging highlight scenes na magpapakita ng kanyang kakayahan bilang isang magaling na aktor.

Lalo na nga raw na marami siyang eksena kasama si Jean Garcia bilang nanay niya, mas lalo siyang excited kahit ilang beses na rin daw silang nagkatrabaho. Iba raw kasi talaga ang dating kapag katulad ni Jean ang kaeksena dahil nadadala siya nang husto.

Ayon pa sa kanya, nakawala na siya sa kanyang role bilang si Macoy sa ‘Kambal, Karibal’ at nagpapasalamat siya sa magandang pagpapaalam na eksena na ginawa sa kanya.

Mas lalo raw niyang na-miss ang pakikipagtrabaho kay Kyline Alcantara na kahit wala na siya sa show ng KK ay pinipilit niyang magkaroon dito ng communication dahil up to now ay hindi niya itinatanggi sa amin na gusto niya ito.

Kahit kinukulit namin ito tungkol sa kanila ni Pauline Mendoza dahil sa tsika rin naman sa amin ng mga taga-KK, pero mariin pa rin niyang itinatanggi ito. Close friend lang daw sila ni Pauline.

Anyway, wish ni Jeric na sana ay matuloy ang guesting niya sa 1st major concert ni Kyline na gaganapin sa Skydome, sa SM North Annex sa September 8. May naririnig siya na baka kunin siya bilang guest performer at yun ang hinihiling niya na sana ay matuloy ito.

Well, sa daming KyRix fans ang ang nagri-request nito, mukhang hindi mabibigo ang kanyang wishful thinking kasi nga naman, dagdag hatak din ito sa concert ni Ky, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?