37
sheryl
By

Jeremy Tyler sinipa na ng TNT

Sharing is caring!

Pinakawalan ng TNT KaTropa ang import nilang si Jeremy Tyler bago pa man ang kanilang laban kontra Blackwater sa Biyernes.

Kinumpirma ito ng agent ni Tyler na si Sheryl Reyes, sa kanyang Twitter kanina.

“Unfortunately, with the turn-out of events, TNT will replace Jeremy Tyler. That was his last game. Thanks Jeremy, we wish you all the best,” sabi ni Reyes.

Nangapa si Tyler sa kanilang laban kontra Ginebra noong May 6 kahit nanalo ang TNT. Gumawa lang siya ng dalawang puntos.

Nakatatlong sunod na panalo ang TNT bago natalo sa Alaska noong Linggo kung saan umiskor si Tyler na 16 markers.

Wala opang inihayag ang TNT management na kapalit ni Tyler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?