51

Aug 6, 2020 @ 17:42
By

Jeremy nasabik kay Pia Wurtzbach

Todo ngiti ang nobyo ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey nang sa wakas ay nakasama na siya nito sa isang date sa London matapos 14 araw na pag-self quarantine.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Jeremy ng selfie niya katabi si Pia.

“So excited to be back home in London for a while, showing @piawurtzbach round my neighbourhood. After quarantining for 14 days this was our first dinner date in 5 months! Socially distancing and wearing masks (just taken off for the photo),” ani Jeremy.

Noong July, nag-self isolate rin si Pia nang dumating siya sa London bago nakita ang kanyang pamilya.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?