91

Dec 2, 2017 @ 12:28

Jeremy Lin, sasailalim sa rehab sa Canada

Sa kanyang Instagram account inanunsiyo ni Jeremy Lin na nagdesisyon siyang ayusin ang kanyang sarili at magpalakas sa isang suburban Vancouver sports training institute.

Ito’y sa pagnanais umano niyang, “to rebuild my body from the ground up.”

Sa video post nito makikita si Lin na nagsasalita sa camera sa naturang lugar.

Isa si LA Lakers point guard Steve Nash sa nag-develop ng ilan sa mga programa ng training institute.

Ayon kay Lin, desisyon umano niya ito at ng kanyang kasalukuyang koponan na Brookly Nets.

“The Nets and IO have decided on a really comprehensive rehab program that will have me out here most of the season. The goal is to rebuild my body from the ground up, each and every muscle and joint, not just the patella tendon. I can’t wait to get healthy. Come back even stronger,” ani Lin sa kanyang IG post.

Nagka-injury si Lin sa kanyang tuhod na natamo niya sa laban nila kontra Indiana Pacers at kinailangang operahan.

Ang Fortius, ang sasabakang training institute ni Lin, ay dinayo na rin ng mga atleta na dumanas ng matinding injuries sa kanilang career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?