68

By

Jeremy Lin ipinamigay ng Nets sa Hawks

Sharing is caring!

Dinagit umano ng Atlanta Hawks si Brooklyn Nets guard Jeremy Lin sa ginawang trade noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa league sources ng ESPN, kapalit umano ni Lin ang pagbibigay ng Hawks sa Brooklyn ng 2020 second-round pick via Portland nila at ang karapatan kay Isaia Cordinier.

Si Cordinier ang 2016 second-round pick ng Atlanta.

Makakasama umano ni Lin ang No. 5 overall pick na si Trae Young at guard na si Dennis Schroder sa backcourt ng Hawks.

Ia-absorb na lang umano ng Atlanta ang natitirang $12.5 million expiring contract ni Lin sa kanilang salary-cap space.

Sa pagkawala ni Lin, sasandal ang Nets sa mga guard na sina D’Angelo Russell at Spencer Dinwiddie ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?