24

Sep 15, 2020 @ 18:42
By

Jeremy Lin humagulgol, gusto bumalik sa NBA

Matapos ang isang season sa China, napagtanto ni Taiwanese Jeremy Lin na hindi pa siya handang iwan ang NBA.

Sa kanyang video post sa Weibo, sinabi ni Lin na kanyang iiwan ang Beijin Ducks sa Chinese Basketball Association (CBA), at tatangkaing makapasok muli sa international league.

Saad ni Lin, hindi siya nakatulog ng ilang araw dahil hirap magdesisyon tungkol sa kanyang basketball career.

Aniya pa, umiyak siya habang kinakausap ang kanyang pamilya at mga kaibigan tungkol sa kanyang pag-alis sa China.

“In the end, although Shougang (the Ducks) has treated me incredibly well, giving me everything I wanted, in the end, I feel that I still have NBA dreams,” saad ng 32-anyos na guard.

Si Lin ang naging kauna-unahang Asian-American na nagkampeon sa NBA matapos magwagi noong 2019 para sa Toronto Raptors.

Matapos ang championship season ay nabakante si Lin hanggang sa lumipat sa China para doon maglaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?