20
jeremy-lin
By

Jeremy Lin, balik-Brooklyn Nets

Sharing is caring!

May plano si Jeremy Lin na maglarong muli sa Brooklyn Nets sa susunod na season.

Nakapaglaro lang si Lin ng 36 games noong 2016-17 dahil sa injuries.

Ngayon sa kanyang pagbabalik, iibahin na niya ang klase ng kanyang paglalaro at ibabasura na ang on-court motor skills na nagpasimula sa “Linsanity” para umano sa kanyang kalusugan.

“So, like, at every level of ability to be more dynamic, I’m not just looking at whether my knee will hold up. I’m looking at whether I have done enough to completely change pre-existing movement patterns,” ani Lin, isang araw makaraang tumapos na may 28-54 record ang Nets.

Binuno ng 29-anyos na player ang pagpapagaling niya sa Fortius Sport and Health sa Vancouver, British Columbia kasama ang personal trainer niyang si Rick Celebrini.

Dati nang naglaro sa Brookly si Lin kung saan pumirma siya noong Hulyo 2016 ng 3-year, $36 million deal sa Nets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?