244

Sep 15, 2021 @ 17:20
By

Jennylyn, Xian todo sa tukaan

Naging close agad sina Jennylyn Mercado at Xian Lim kahit first time nilang magkatrabaho.

Sa report ni Lhar Santiago, sinabi ni Jen na masayang kasama si Xian at isang magaling na aktor.

Ikinatuwa ni Xian ang papuri ni Jen at happy din daw siya kasama ang aktres.

Makikita naman sa ipinalabas na video ang harutan at tawanan nina Xian at Jen habang gumaganap bilang mag-asawang sina Angela at Bernard sa teleserye nilang “Love. Die. Repeat”.

Hindi nailang sa isa’t isa ang dalawa at todo sa halikan.

Bukod doon, game ring naki-TikTok si Xian sa mga co-star niya kasama si Gardo Versoza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?