12

Jul 17, 2020 @ 11:53
By

Jennylyn tinira si Duque

Hindi natutuwa si Kapuso actress Jennylyn Mercado kay Health Secretary Francisco Duque III.

Nagkomento kasi ang celebrity sa ulat na binabawi ni Duque ang pahayag nito na “we have successfully flattened the [COVID-19] curve since April.”

“Paumanhin po sa confusion na resulta ng aking earlier statement, nalito lang po ako sa tanong,” wika ni Duque.

“Iyong longer case doubling time which is eight days, ibig sabihin po nito, nailiko na, nasimulan na nating nailiko o naikurba na natin ang epidemic curve nung imposition ng ECQ noong March.”

“Now, we are seeing an increase in cases dahil sa expanded testing and community transmission as we allow more movement of people, dahil nagluwag na po tayo ng restrictions,” lahad pa niya.

Tugon ni Jennylyn sa ulat, “What did we expect? Magsuot nga ng mask ng maayos hindi niya magawa.. (emoji: upside-down face).”

Nilakip pa niya ang larawan ng DOH chief na nakasuot ng medical mask habang nasa isang briefing, pero hindi natatakpan ang ilong.

Matatandaang noong Mayo, binatikos din si Duque dahil sa pagsabi niyang nasa “second wave” na ng COVID-19 case ang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?