122

Jul 18, 2019 @ 21:30
By

Jennylyn, Solenn ‘tikiman’ inaabangan ng mga fan

Umamin na ang karakter ni Solenn Heussaff na si Lianne sa kaniyang tunay na nararamdaman para kay Raffy (Jennylyn Mercado).

All this time, siya pala ang napupusuan nito! May kaagaw na tuloy si Jake (Gabby Concepcion) sa puso ng ating bida.

Maraming Kapuso viewer ang natuwa sa plot twist ng show. Pinuri rin nila ang pagganap ni Solenn sa serye.

“I like the dialogue of Solenn. Straight, frank, brief and direct to the point.”

Kaloka, di ba? Sa ganda ni Solenn, naisip pa nilang gawin itong tomboy, ha! Ang tanong na lang, matikman kaya ni Solenn si Jennylyn? Magawa kaya nila ang eksena nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro noon sa teleserye?

Eh base sa mga reaksiyon ng mga manonood, parang nai-excite sila sa anggulo na ito nina Jennylyn at Solenn, ha! Inaabangan nila agad kung may tikiman bang magaganap.

Ay, teka lang, pumayag kaya si Jennylyn? At pumayag din kaya si Gabby na maagawan siya ng tomboy?

Kaloka, di ba?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?