66

Jan 31, 2020 @ 18:40
By

Jennylyn sobrang happy kay Dennis

Glowing ang alindog ngayon ni Jennylyn Mercado at kapansin-pansin iyon sa media launch ng bago niyang teleserye na kasama si Dingdong Dantes.

Pero, natawa lang si Jen nang tinatanong kung ano ang sikreto ng kanyang alindog.

“Wala naman. Masaya lang po ako. Naniniwala po ako na kapag masaya ka sa loob, lalabas iyon at makikita sa hitsura mo. Promise, happy po ako ngayon,” sabi niya.

May kinalaman siyempre ang nakakainggit na love life ni Jen dahil sa boyfriend na si Dennis Trillo.

“Opo naman… May kinalaman din siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Jen.

“Ano ba? Siyempre, kapag inspired ka, ‘di ba? Lagi kang happy. Kahit si Dennis din, mapapansin ninyo, glowing din. Happy kami ngayon sa nangyayari sa buhay… Sa relasyon namin… Sa lahat,” sey ni Jen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?