55

Jun 12, 2020 @ 21:13

Jennylyn pumalag sa BIR

NI: VINIA VIVAR

Lately ay pinuputakti ng mga basher si Jennylyn Mercado dahil sa kanyang mga opinyon sa iba’t ibang isyu na ipino-post niya sa kanyang Facebook fan page. Of course, hindi naman lahat ay kontra sa mga pahayag niya at mas nangingibabaw pa rin naman ang umaayon.

Welcome naman sa aktres ang lahat ng opinyon at natutuwa nga siya na mabasa sa comment section ang iba’t ibang kuru-kuro ng mga netizen.

Tulad na lamang ng recent post ni Jen tungkol sa issue ng pagpataw ng buwis sa mga online seller. Umabot sa mahigit 2,000 ang comments nito at iba’t iba ng opinyon ang mga follower niya.

“Nakakalungkot na pati pa pala online sellers itatax na ng BIR. Kungdi ka naman kasama sa tax bracket kakailanganin pa rin kumuha ng Mayor’s permit at magregister sa DTI na gastos din.

“Kawawa naman ang mga Pilipinong madiskarte na gumawa ng paraan para kumita ngayong madaming nawalan ng trabaho at nagsaradong businesses. Sa mga lumabas na articles online, baka naman pwedeng mas unahin muli itax ang POGO at hanapin ang mga illegal na POGO na hindi nagbabayad ng buwis. Baka pwede iba muna ang kuhanan ng pondo ng BIR.

“Huwag naman muna sana ang mga Pinoy na nakahanap ng paraan upang kumita ngayong Pandemya…

“Kaya Magtulungan tayo. Always remember to support local!” ang pahayag ni Jen.

Dagdag pa ng Kapuso Ultimate Star, “nakakatuwang magbasa ng comments. May mga nagdidisagree sa isa’t isa pero ang ganda na nagpapalitan tayo ng impormasyon tungkol dito ng maayos at may respeto. Madami akong natutunan sa mga post ninyo.”

Sa sumunod na post ni Jen ay nilinaw niyang hindi siya anti or pro government.

“I am not Anti or Pro Government.I am Pro Filipino. I am Pro to the right to be informed and to discuss National Issues with one another to be more knowledgeable.

“I love my fellow Pinoys. Kung hindi dahil sa inyo wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. You and my son are my biggest blessings.

“Magtulungan tayo. Laging tandaan to support and respect each other even if our beliefs are different. Sa mga nangyayari sa mundo, all we have is each other.

“Spread patience, love, and kindness to everyone,” saad ng aktres.

Kasunod nito ay sinabi niyang magsa-sign-off muna siya.

“Thank you to the admin of this page for letting me share my insights. Signing off muna. Sa uulitin…. –Jen.”

Well, nakakatuwa that Jen is socially relevant and cares for her country at kapwa-Pilipio. Nakakatuwa na nag-invite siya na maging pro active at bukas ang page nya sa mga opinion ng mga follower niya. She welcomes active conversation and at the same time ay nakikiusap din siya na kahit magkakaiba ang pananaw, sana ay maging respectful pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?