190

Jul 30, 2020 @ 18:43
By

Jennylyn pinitik sina Drilon, Roque sa pagtulog

May pasimpleng banat ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado kina Senate Minority Leader Frank Drilon at presidential spokesperson Harry Roque.

Sa tweet ng aktres, pinapili niya ang kanyang mga follower kung sino ang mas bet ng mga ito sa pagtulog: siya, si Roque o si Drilon?

Marami ang nangatyaw kay Roque matapos itong matapatan ng kamera sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapikit, na paniwala ng ilan ay naidlip umano ito.

Habang si Drilon naman ay dati nang nakilala sa pagtulog sa mga sesyon ng Senado, at gumawa pa ng ingay matapos na mapansin ng mga netizen na nakapikit din habang ini-interview ni Pinky Webb sa live television.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?