197

May 6, 2020 @ 17:59
By

Jennylyn napa-react sa mga trending TikTok video ni Mark

Maging si Jennylyn Mercado ay napansin ang mga TikTok dance video ng dati niyang ka-loveteam na si Mark Herras.

Kamakailan nang biglang umalagwa ang pangalan ni Herras sa Twitter dahil sa mga astig na dance move ng Kapuso actor.

Nag-throwback din siya ng kanyang galaw sa pinausong “Average Joe” dance craze.

Sa kaniyang Facebook page, nag-share si Jennylyn ng ilan sa mga TikTok dance move ng “Bad Boy ng Dance Floor” na si Mark.

“Ginalingan naman po masyado! #Topaks” caption ni Jennylyn.


Nagbahagi pa si Jennylyn ng isang throwback video nila ni Mark habang nagsasayaw ng “Talk Dirty To Me”.


Sina Mark at Jennylyn ay kapwa tinanghal na Ultimate Male and Female Survivor ng “StarStruck” Season 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?