143

Jul 24, 2020 @ 21:14
By

Jennylyn nandiri sa korapsyon sa PhilHealth

Hindi makapaniwala si Kapuso actress Jennylyn Mercado na talamak pa rin ang isyu ng korapsyon sa ilang ahensya ng gobyerno tulad ng PhilHealth.

Sa tweet ng Starstruck alumna, sinabi nito na kahit may COVID-19 pandemic ay mayroon pa ring nanlalamang sa mga Pinoy.

“It really is disgusting na kahit may pandemya corruption still exists…” saad ni Jennylyn.

Ito’y reaksyon niya sa balitang pagbibitiw ng tatlong tauhan ng PhilHealth dahil hindi kinaya ang umano’y katiwalian sa ahensya.

Lumabas ang resignation letter ni Atty. Thornsson Montes Keith, ang anti-fraud legal officer ng PhilHealth kung saan nakalakip dito na hindi na niya kinakaya ang katiwalian sa ahensya.

Dagdag pa rito na hindi na ibinigay ang kanyang suweldo at hazard pay nang magsimulang mag-imbestiga sa ilang opisyal na umano’y sangkot sa korapsyon.

“Kelan kaya matitigil ang pananamantala ng mga tao na may kapangyarihan sa ordinaryong Pilipino?” tanong ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?