30

Jun 12, 2020 @ 13:59
By

Jennylyn nakiusap sa BIR: Mga online seller huwag buwisan sa COVID crisis

Nanawagan ang aktres na si Jennylyn Mercado sa Bureau of Internal Revenue na huwag munang pagbayarin ng tax ang mga online seller na hirap kumita ng pera sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Facebook post ng Kapuso celebrity, mas unahin na lang umano ng BIR na pagbayarin ang mga Philippine offshore gaming operators bago ang mga online seller.

“Nakakalungkot na pati pa pala online sellers itatax na ng BIR. Kung di ka naman kasama sa tax bracket kakailanganin pa rin kumuha ng Mayor’s permit at magregister sa DTI na gastos din,” ayon kay Jennylyn.

“Huwag naman muna sana ang mga Pinoy na nakahanap ng paraan upang kumita ngayong pandemya,” aniya pa.


Si Jennylyn ay isa rin sa mga apektado ng COVID-19 pandemic dahil may sarili din itong negosyo na cat cafe kasama ang kanyang dyowa na si Dennis Trillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?